|
||||||||
|
||
Sa pamamagitan ng online live program na "COVID-19 Frontline" ng China Global Television Network (CGTN), ibinahagi nitong Martes ng gabi, Hunyo 9, 2020 ng mga doktor ng Peking University Third Hospital sa mga Brazilian counterpart ang karanasan sa panggagamot sa mga nahawahan ng COVID-19.
Sinabi ni Qiao Jie, Presidente ng nasabing ospital at isang academician ng Chinese Academy of Engineering, na ipinadala ng kanyang ospital ang mahigit 400 doktor at nars sa Wuhan, para labanan ang epidemiya ng COVID-19.
Aniya, masaganang karanasan sa pagkontrol at pagsusuri sa epidemiya at panggagamot sa mga pasyente ang natamo ng mga doktor, sa pamamagitan ng mahigit 70 araw na pagsisikap sa Wuhan.
Ang pagbabahagi ng nasabing mga karanasan sa sirkulong medikal ng iba't ibang bansa sa daigdig ay responsibilidad at obligasyon namin, dagdag niya.
Sa mahigit isang oras na live stream, detalyadong sinagot ng mga doktor na Tsino ang mga tanong ng mga doktor ng Brazil, batay sa kani-kanilang karanasan ng pagtatrabaho sa prontera at ibinahagi ang mga konkretong indeks at datos.
Sa kasalukuyan, unti-unting nagiging grabe ang kalagayan ng COVID-19 pandemic sa Brazil.
Ayon sa datos ng Ministri ng Kalusugan ng Brazil, hanggang 18:00H Miyerkules, local time, 772,416 ang kabuuang bilang ng naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Kabilang dito, 39,680 ang pumanaw.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |