|
||||||||
|
||
Vienna, Austria—Ginanap nitong Miyerkules, Pebrero 26, 2020, local time, ang pulong ng Joint Commission ng Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA), upang talakayin ang mga isyung may kinalaman sa pagpapatupad ng JCPOA, at koordinahin ang mga susunod na hakbang.
Pagkatapos ng pulong, nagpalabas ng pahayag ang tagapangulo nitong si Helga Maria Schmid, Pangkalahatang Kalihim ng European External Action Service (EEAS).
Anang pahayag, inuulit ng iba't ibang panig na kailangang magpupunyagi upang mapangalagaan ang JCPOA, at mapasulong ang pagpapahupa ng kalagayang nuklear sa Iran.
Ipinagdiinan sa pahayag ang pag-asang komprehensibong ipapatupad ng panig Iranyo ang pangako nito sa larangang nuklear, at patuloy na makikipagtulungan sa International Atomic Energy Agency (IAEA).
Dagdag ng pahayag, magbubuklud-buklod ang Unyong Europeo (EU), kasama ng mga bansang apektado ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na tulad ng Tsina at Iran, at upang suportahan ang ginawang pagsisikap para puksain ang epidemiya.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |