|
||||||||
|
||
Sinabi kamakailan ng mga Australyanong dalubhasa na ang paghihiwalay ng kabuhayan ng Australya at Tsina ay walang anumang benepisyo para sa kanilang bansa.
Kaugnay nito, sinabi kamakailan ng ilang media at politiko ng Australya na dapat ihiwalay ang kabuhayan ng Australya sa Tsina.
Hinggil dito, ipinalabas ng University of Technology Sydney (UTS) ang ulat na nagpapakita "magiging mas maliit ang pag-unlad at pagkakataon ng pagtatrabaho para sa mga mamamayan ng Australya kung maghihiwalay ang kabuhayan at kalakalan ng dalawang bansa. "
Sinabi ni James Laurenceson, Propesor ng UTS at isa sa mga author ng naturang ulat, na ang positibong pag-unlad sa Tsina ay makakabuti sa kapakanan ng Australya.
Ipinalalagay naman ni Jane Golley, ekonomista ng The Australian National University (ANU), na kasabay ng pag-ahon ng Tsina mula sa epekto ng epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), dapat patuloy na isagawa ng Australya ang malalim na pakikipagkooperasyon sa Tsina para igarantiya ang pag-unlad ng kabuhayan pagkatapos ng epidemiya.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |