Sa isa pang pagdinig tungkol sa extradition case ni Meng Wanzhou, Chief Financial Officer (CFO) ng Huawei Company, na idinaos nitong Lunes, Hunyo 15, 2020 (local time), isinumite ng grupo ng adogado ni Meng ang isang memo sa B.C. Supreme Court ng Canada kung saan ipinakikitang ang tanging masusing ebidensyang ginamit ng Kagawaran ng Katarungan ng Amerika para akusahan si Meng ay ipinagkaloob ng Hongkong and Shanghai Banking Corporation Limited (HSBC). Ngunit, sa paglagom ng panig Amerikano sa nasabing ebidensya, inalis ang mahalagang impormasyon, lalong lalo na, umiiral ang sinasadyang kilos na nito.
Sa kasalukuyan, hinihiling ng mga abogado ni Meng na tapusin ang extradition proceedings sa mga dahilang gaya ng pagmamalabis ng proseso, at di-sapat na ebidensya.
Sa araw na ito, walang anumang desisyon ang inilabas ng nasabing hukuman tungkol sa kasong ito. Ngunit tiniyak nito na sa Hunyo 23 isasagawa ang susunod na pagdinig sa kaso.
Salin: Lito