Ipinahayag kahapon, Martes, ika-28 ng Enero 2020, ni Zhang Jian'gang, Pangalawang Presidente ng Huawei, telecom giant ng Tsina, ang kasiyahan sa bagong desisyon ng pamahalaan ng Britanya hinggil sa pahintulot sa limitadong paglahok ng Huawei sa konstruksyon ng 5G network sa Britanya.
Nang araw ring iyon, ipinatalastas ng pamahalaan ng Britanya, na pahihintulutan nito ang Huawei sa konstruksyon ng 5G network sa bansang ito sa ilalim ng ilang restriksyon. Halimbawa, hindi dapat gamitin ang mga kagamitan ng Huawei sa mga "sensitibong bahagi" ng 5G network, at sa mga di-sensitibong network, ang market share ng mga kagamitan ng Huawei ay hindi dapat lumampas sa 35%. Samantala, hindi dapat pumasok ang Huawei sa mga rehiyon sa paligid ng mga base military at pasilidad na nuklear.
Salin: Frank
Web-edit: Jade