|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Isinapubliko nitong Lunes, Hunyo 15, 2020 ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina ang mga datos ng pambansang kabuhayan, at maganda ang maraming datos. Patuloy na bumubuti ang konsumo, at kasabay ng mabisang pagkontrol sa kalagayan ng pandemiya, lumaki ang pagbebenta sa pamilihang Tsino nitong nagdaang 3 buwan.
Noong Mayo, ang halaga ng tingian ng mga paninda ay lumapit sa lebel ng Mayo noong nagdaang taon. Lumaki ng 1.0% ang indeks ng produksyon ng industriya ng serbisyo. Ang industriya ng hay-tek ay nagsilbing bagong lakas-panulak ng paglago ng kabuhayang Tsino, at tumaas ng 8.9% ang added value ng industriya ng hay-tek na pagyari.
Noong Mayo, lumaki ng 2.4% ang Consumer Price Index (CPI) ng bansa kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon, at pinakamababa ang pagtaas nito nitong nakalipas na 14 na buwan. 50.6% naman ang Purchasing Managers' Index (PMI) na kumakatawan sa kondisyon ng kabuhayan.
Ipinahayag ni Michael Spencer, Punong Ekonomista ng Deutsche Bank, na mapapakintal ang pagbangon ng kabuhayang Tsino, at ang pagbuti ng pangangailangang panloob ng Tsina ay may pag-asang makakatulong sa pagsasakatuparan ng kabuhayan ng 5% hanggang 6% paglago kumpara noong isang buwan.
Sa palagay naman ng mga tagapag-analisa ng BlackRock, Inc ng Amerika, mas mabilis kaysa pagtaya ng ilang tao ang bilis ng pagbangon ng kabuhayang Tsino, at may pag-asa itong babalik sa landas ng paglago bago sumiklab ang epidemiya sa katapusan ng 2020.
Kahit sa napakahirap na panahon, naging mas malaki ang pangangailangan sa pagpapalawak ng pagbubukas. Bilang isang bansang naggigiit sa multilateralismo at globalisasyon, may kakayahan ang Tsina sa pagpapasulong sa tuluy-tuloy na pagbangon ng kabuhayan ng sariling bansa, at pagsasakatuparan ng target ng pag-unlad ng kabuhaya't lipunan. Samantala, magpupunyagi rin ito, kasama ng komunidad ng daigdig, upang panaigan ang kinakaharap ng kahirapan, at pasiglahin ang pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.
Salin: Vera
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |