|
||||||||
|
||
Hinihikayat ng pamahalaang Tsino ang mga institusyong pinansyal ng bansa na ibayo pang magsagawa ng konsesyong pang-interes para patuloy na suportahan ang mga micro, maliit at katamtamang laking bahay-kalakal.
Layon nitong mapagaan ang epektong dulot ng epidemiya ng Coronavirus Disease (COVID-19).
Ito ay isa sa mga hakbang na napagpasiyahan sa pulong ng Konseho ng Estado, gabinete ng Tsina, nitong Miyerkules, Hunyo 17. Ang pulong ay pinanguluhan ni Premyer Li Keqiang ng bansa.
Kabilang sa naturang konsesyong pang-interes ang pagpapababa sa interes ng pautang, pagbibigay ng preperensyal na pautang, pagpapaliban sa pagbayad ng utang ng nasabing mga negosyo, pagbabawas ng singil, at iba pa.
Bunga nito, 1.5 trilyong yuan RMB (211.7 bilyong dolyares) ang inaasahang maibibigay ng mga institusyong pinansyal sa mga kompanya sa loob ng isang taon.
Kasabay nito, hiniling din ng pulong sa iba't ibang may kinalamang departamento at ahensya na tupdin ang pangako nila sa pagbabawas ng singil sa iba't ibang larangan, para sa taong ito.
Ang naturang mga pangako ay kinabibilangan ng pagbabawas ng 5% sa presyo ng koryente para sa mga industriya at negosyo, pagbabawas o pagkansela ng abuloy sa civil aviation development fund, at pagpapababa ng 15% sa bayad sa broadband at internet access. Dahil sa lahat ng mga hakbang para sa taong ito, mahigit 310 bilyong yuan RMB (mga 43.7 bilyong dolyares) ang matitipid ng mga bahay-kalakal.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |