Bilang tugon sa pagsasabatas ng panig Amerikano sa umano'y "Uyghur Human Rights Policy Act of 2020," magkakahiwalay na ipinalabas ng Ministring Panlabas, Komisyon ng Suliraning Panlabas ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), Komisyon ng Suliraning Panlabas ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), at Pirmihang Lupon ng Kongresong Bayan ng Rehiyong Awtonomo ng Uygur, ang solemnang pahayag.
Tinukoy ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na muling pinayuhan ng panig Tsino ang panig Amerikano na agarang iwasto ang kamalian nito, at itigil ang pagsira sa kapakanan at panghihimasok sa suliraning panloob ng Tsina. Kung hindi, tiyak na isasagawa ng panig Tsino ang mga counter measures, at dapat ganap na isabalikat ng panig Amerikano ang lahat ng resultang bunsod nito, dagdag pa niya.
Salin: Lito