|
||||||||
|
||
Ipinalalagay ng mga dayuhang personahe na ang binigkas na talumpati ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Extraordinary China-Africa Summit on Solidarity against COVID-19, ay nagpapakita ng determinasyon ng Tsina at Aprika sa magkasamang pakikibaka laban sa epidemiya.
Ito anila ay may mahalagang katuturan para sa pagpapalakas ng kooperasyon ng komunidad ng daigdig tungo sa pagtatagumpay laban sa epidemiya.
Ipinahayag ng mga dayuhang personahe, na ipinagkakaloob ng Tsina ang mga substansyal na pagkatig sa mga bansang Aprikano kaugnay ng paglaban sa epidemiya, bagay na aktibong nagpapasulong sa pagkakaisa ng komunidad ng daigdig.
Ipinahayag ni Herman Tiu Laurel, tagapagtatag ng think tank na Philippine-BRICS Strategic Studies, na malalim na impresyon ang iniwan sa kanya ng mga sinabi ni Xi tungkol sa kahandaan ng Tsinang magkaloob ng bakuna sa mga bansang Aprikano.
Aniya, hanga siya sa pagtataguyod ng Tsina sa multilateralismo at pagpapasulong ng pandaigdigang kooperasyon.
Ang pagpapalakas ng kooperasyon ay siyang tanging paraan para matamo ng buong sangkatauhan ang progreso, dagdag pa niya.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |