Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

COVID-19 pandemic tumama na sa Aprika; mga bansang Aprikano, nagpapasalamat sa tulong ng Tsina

(GMT+08:00) 2020-04-22 14:15:12       CRI

Noong Abril 15, 2020 (local time), lulan ang mga donasyong gamit-medikal ng pamahalaang Tsino para sa laban kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), isang eroplano ang dumating ng Brazzaville, kabisera ng Republika ng Congo. Nang tanggapin ang naturang mga materiyal, sinabi ni Jean-Claude Gackosso, Ministro ng Ugnayang Panlabas ng Republika ng Congo, na "habang nasasadlak sa napakahirap na kalagayan, saka lamang matutuklasan kung sino ang talagang tunay na kaibigan ng Republika ng Congo."

Ibinalita ng pambansang ahensya ng Republika ng Congo ang pangyayaring ito

Tinukoy ni Gackosso na sapul nang tamaan ng COVID-19 pandemic ang kanyang bansa, ilang beses na ini-abuloy ng Tsina ang tulong sa Republika ng Congo. Ipinahayag niya ang taos-pusong pasasalamat ng kanyang pamahalaan sa tulong at suporta ng pamahalaang Tsino.

Ipinahayag naman ni Jacqueline Lydia Mikolo, Ministro ng Kalusugan ng Republika ng Congo, na ibinigay ng Tsina ang napapanahong tulong sa kanyang bansa. Aniya pa, mataas ang pamantayan at mabuti ang kalidad ng mga ini-abuloy na materiyal ng panig Tsino, bagay na nakakapagpatingkad ng positibong papel sa pakikibaka ng Republika ng Congo laban sa COVID-19.

Ibinalita ng VOX television station ng Republika ng Congo ang kaganapang ito

Tulad ng pagbabalita ng VOX television station ng Republika ng Congo, ito ay hindi una at huling pagkakataon ng pagbibigay-tulong ng Tsina sa mga bansang Aprikano sa usaping ito.

Noong Abril 6, dumating ng Republika ng Ghana ang napakaraming kagamitan at materiyal na medikal na bigay ng pamahalaang Tsino sa 18 bansang Aprikano. Kabilang dito ay mga ventilator, N95 mask, protective clothing, at iba pang mga kagamitang medikal. Bilang transfer center, ihahatid mula sa Ghana ang nasabing mga materiyal sa ibang 17 bansang Aprikano upang tulungan sila sa paglaban sa epidemiya.

Ibinalita ng Multimedia Group ng Ghana ang pagbibigay-tulong ng Tsina sa 18 bansang Aprikano

Magkakasunod na ipinahayag ng mga pamahalaan ng bansang Aprikano ang kanilang pasasalamat sa ibinigay na suporta at ayuda ng Tsina sa masusing panahon.

Bukod dito, noong Abril 16, ipinadala ng pamahalaang Tsino ang grupo ng ekspertong medikal sa Ethiopia at Burkina Faso para tulungan sila sa pakikibaka laban sa epidemiya.

Pinasalamatan ni Pangulong Marc Christian Kaboré ng Burkina Faso ang Tsina

Ibinalita ng FBC ng Ethiopia ang pagbibigay-tulong ng grupong medikal ng Tsina

Ayon sa estadistikang isinapubliko ng Africa Centers for Disease Control and Prevention (Africa CDC), hanggang noong alas-9 ng umaga, Abril 21 (Eastern Africa Time), 23,505 ang kabuuang bilang ng mga nai-ulat na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa 52 bansang Aprikano, at 1,158 ang namatay. Sa harap ng kalagayang epidemiko, patuloy ang pag-aabot ng tulong ng Tsina sa Aprika.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>