Bilang tugon sa walang-galang na pagkomento at walang batayang pagbatikos kamakailan ng ilang kanluraning politiko, namamahalang tauhan ng organisasyong pandaigdig, at Parliamentong Europeo, sa mga suliranin ng Hong Kong, sinabi ng tagapagsalita ng Office of The Commissioner of The Ministry of Foreign Affairs of The People's Republic Of China in The Hong Kong Special Administrative Region (HKSAR), na ang pangangalaga sa seguridad ng bansa ay pinakamahalaga at pinakapundamental na elemento ng soberanya ng bansa.
Aniya, walang anumang bansa sa daigdig ang nagpapahintulot sa mga kilos na nakakapinsala sa seguridad nito.
Sa paglitaw ng kalagayang nakakapinsala sa pambansang seguridad at kapakanan ng mga mamamayan ng Hong Kong, ang pagpapasulong ng Tsina ng kaukulang gawaing lehislatibo sa antas ng estado, ay ganap na angkop sa konstitusyon, batas, at katuwiran, diin niya.
Sinabi pa niyang hindi kayang ikubli ng umano'y karapatang pantao at pagsunod sa batas, ang panghihimasok sa suliraning panloob ng Tsina, at ito ay nagpapakita ng mayabang na esensya ng kanilang lantarang pakikialam sa suliraning panloob ng ibang bansa.
Salin: Lito