Bilang tugon sa inilabas na magkakasanib na pahayag ng mga ministrong panlabas ng G7 tungkol sa Hong Kong Special Administrative Region (HKSAR), ipinahayag nitong Huwebes, Hunyo 18, 2020 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang mahigpit na kawalang-kasiyahan at matatag na pagtutol ng panig Tsino sa naturang pahayag.
Muling ipinagdiinan ni Zhao na ang mga suliranin ng Hong Kong ay suliraning panloob ng Tsina, at walang karapatan ang anumang dayuhang pamahalaan, organisasyon, at indibiduwal na manghimasok dito. Matatag at hindi nagbabago ang determinasyon ng panig Tsino sa pagpapasulong ng lehislasyon ng pambansang seguridad sa Hong Kong, dagdag pa niya.
Ayon sa ulat, ipinahayag ng nasabing magkakasanib na pahayag ng G7 ang lubos na pagkabahala sa lehislasyon tungkol sa pambansang seguridad sa Hong Kong. Hinihimok din nila ang panig Tsino na muling pag-aralan ang kapasiyahang ito.
Salin: Lito