Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kakayahan ng Beijing sa pagsasagawa ng nucleic acid test, lampas sa 230,000 kada araw

(GMT+08:00) 2020-06-22 15:49:43       CRI

Sinabi kamakailan ni Gao Xiaojun, Tagapagsalita ng Komisyong Pangkalusugan ng Beijing, na sa kasalukuyan, tumaas ang kakayahan sa pagsasagawa ng nucleic acid test ng mga may-kinalamang organo ng Beijing.

Aniya, hanggang noong Hunyo 20, tumaas sa 124 ang bilang ng mga organong maaaring magsagawa ng nucleic acid test, mula 98.

Samantala, lampas na sa 230,000 ang pinakamalaking kakayahan sa pagsasagawa ng ganitong pagsusuri kada araw.

Tinukoy naman ni Li Jinming, mananaliksik ng Sentro ng Klinikal na Pagsusuri ng Pambansang Komisyong Pangkalusugan ng Tsina, na kahit may negatibong resulta sa unang pagsusuri ang mga taong may direktang kontak sa mga kumpirmadong kaso ng COVID-19, kailangan pa rin nilang sumailalim sa kuwarentenas.

Kung wala namang lilitaw na sintomas sa panahon ng kuwarentenas, kailangan muling isagawa ang nucleic acid test sa kanila, at aalisin lamang ang kuwarentenas kung magiging negatibo ang pangalawang resulta.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>