Nananatili pa ring mahigpit ang kasalukuyang kalagayan ng COVID-19 pandemic sa Amerika. Sa isang panayam kamakailan, ipinahayag ni Paul M.Romer, Nobel Prize in economics winner, na dapat pag-aralan ng Amerika ang mga nagawang hakbangin ng lunsod Wuhan ng Tsina sa pakikibaka laban sa epidemiya.
Ani Romer, ang isinagawang malawakang pagsusuri ng Tsina sa virus ay nakatulong sa pagkontrol ng Wuhan sa paglakat ng epidemiya. Ito aniya ay dapat gayahin ng iba't-ibang lugar ng Amerika. Ngunit nakakalungkot na hindi ito ginawa ng Amerika, aniya.
Ipinahayag pa niya na bago matuklasan ang bakuna, dapat palakasin ng Amerika ang pagsusuri sa virus. Ayon sa kanyang pagtasa, mula 50 hanggang 100 ulit na rate of return ang makukuha mula sa pagsusuri sa virus. Nakinabang ng malaki ang Wuhan sa malawakang pagsusuri, dagdag pa niya.
Salin: Lito