Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CMG Komentaryo: Bagong panukala ng Kongresong Amerikano hinggil sa Hong Kong, isa na namang pakikialam sa suliraning panloob ng Tsina at makakapinsala sa interes ng mga kompanyang Amerikano

(GMT+08:00) 2020-06-28 08:12:35       CRI
Pinagtibay nitong Huwebes ng Senado ng Amerika ang di-umano'y Hong Kong Autonomy Act, ekstensyon ng umiiral na Hong Kong Human Rights and Democracy Act.

Sa pamamagitan ng ganitong long-arm jurisdiction, muli na namang sinusubukang makialam ng Senadong Amerikano sa mga suliraning panloob ng Tsina.

Bukod pa riyan, ang aksyong ito ay posibleng makapinsala sa interes ng mga kompanyang Amerikano sa Hong Kong.

Matatandaang sapul noong Mayo, 2019, lumitaw sa Hong Kong ang mga seperatistang kaguluhan.

Bunsod nito, nasawi ang mga inosenteng mamamayan at nasira ang kaayusang panlipunan.

Banta ito sa pambansang interes at seguridad ng Tsina, at hinding-hindi ito maaaring payagan ng anumang bansang pinangangasiwaan ayon sa batas.

Tulad ng saad ni John Ross, dalubhasang Britaniko, may karapatang pambatas ang Tsina na ilabas ang lehislasyon hinggil sa pambansang seguridad sa Hong Kong, dahil ang usaping ito ay suliraning panloob ng Tsina.

Diin naman ni Elsie Leung Oi-sie, dating kalihim ng katarungan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), ang naturang lehislasyon ay hindi makakaapekto sa mga patakarang gaya ng "isang bansa dalawang sistema" at "ang mga taga-Hong Kong ang namamahala sa Hong Kong."

Bilang pandaigdig na sentrong pinansyal, kung mapipinsala ang kasaganaan at katatagan ng Hong Kong, mapipinlasa rin ang interes ng mga kompanyang Amerikano na nakabase rito, at mga kompanyang Amerikano na sangkot sa pagluluwas at pag-aangkat, kung saan ang Hong Kong ay gumaganap bilang entrepot.

Pero, dahil sa sariling pulitikal na interes, o kamangmangan sa sistemang pulitikal, kasalatan sa karunungang pangkasaysayan at saligang komong palagay na pangkabuhayan, patuloy na isinasagawa ng iilang pulitikong Amerikano ang ganitong pakikialam.

Samantla, bilang pagtutol sa panghihimasok na dayuhan, inilunsad kamakailan ng United Front Supporting National Security Legislation na nakabase sa Hong Kong ang petisyong online.

Hanggang 2400H, Hunyo 26, 1.26 milyong taga-Hong Kong na ang lumagda sa petisyon.

Tatagal ito hanggang Hunyo 30.

Sa kabilang dako, sa isang katulad na aktibidad na sumusuporta sa lehislasyon ng pambansang seguridad sa HKSAR, 2.93 milyong residenteng lokal ang pumirma sa petisyon.

Ito ang nagpapakita sa tunay na mithiin ng mga mamamayan ng Hong Kong.

Sa isang banda, patuloy na nakikialam ang iilang pulitikong Amerikano sa lehislasyon ng Tsina, pero sa kabilang dako, nananawagan silang puwersahang supilin ang protesta laban sa marahas na aksyon ng mga pulis sa Amerika.

Lantaran nitong ipinamumukha sa daigdig ang double standard na ginagawa ng mga pulitikong Amerikano.

Salin: Jade

Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>