|
||||||||
|
||
Ayon sa datos na isinapubiko kamakailan ng Ministri ng Kultura at Turismo ng Tsina, sa katatapos na tatlong araw na bakasyon ng Duanwu Festival, natanggap ng buong bansa ang halos 48.81 milyong person-time na turistang Tsino at dayuhan.
Ito ay mas mataas ng 50.9% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.
Samantala, umabot naman sa mga 12.28 bilyong yuan RMB ang kitang panturismo na mas mataas ng 31.2% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon.
Ito ay isang katunayang mabilis na umaahon ang kabuhayang Tsino.
Bamaga't nahaharap pa rin ang bansa sa sobrang laking presyur ng pagbaba ng kabuhayan, unti-unting nakikita ang pagbuti sa ilang aspekto ng ekonomiya ng bansa, na bumubuo sa bagong kayarian ng pag-unlad nito.
Pagpasok sa kasalukuyang taon, idinulot ng COVID-19 ang malaking negatibong epekto sa consumer market ng Tsina.
Kasunod ng matagumpay na pagpigil at pagkontrol sa epidemiya ay ang pag-ani ng malaking estratehikong bunga, at unti-unting pagpapanumbalik ng merkado ng konsumo ng Tsina.
Walang hanggahan ang potensyal ng merkadong ito.
Sa kabilang dako, bunga ng maraming positibong elemento, kasalukuyang bumubuti ang isang serye ng index ng kabuhayang Tsino.
Ito ay nagpapakita ng pleksibilidad, potensyal, at malawak na prospek ng kabuhayan ng bansa.
Ito rin ay malakas na nakakapagpasigla sa pamilihang pandaigdig.
Tulad ng sinabi ng mga tagapag-analisa, sa harap ng walang-katulad na krisis ng COVID-19, palagiang ipinapauna ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at pamahalaang Tsino ang kaligtasan ng buhay at kalusugan ng mga mamamayan.
Siyentipiko rin nitong isinusulong ang pagpigil at pagkontrol sa epidemiya at pagpapanumbalik ng trabaho at produksyon, bagay na nagbigay ng malaking tagumpay.
Ito ay nakakapagbigay ng mabuting kondisyon para sa pagpapabilis ng pag-ahon ng kabuhayang Tsino.
Siyempre, sa harap ng iba't-ibang uri ng kahirapan at hamon, at epekto ng COVID-19 sa global industrial at supply chains, kinakaharap pa rin ng kabuhayang Tsino ang sobrang laking presyur.
Pero, sa kabila nito, tiyak na mapapawi ng kabuhayang Tsinno ang pansamantalang kahirapan at mapapatibay ang tunguhin ng paglaki ng kabuhayan nito.
Patuloy na bibigyang-lakas ng kabuhayang Tsino ang kabuhayang pandaigdig.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |