|
||||||||
|
||
Ipinagdiinan kamakailan ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, na dapat puspusang pabutihin ang mga gawain ng pagpigil at pagliligtas sa baha at kapahamakang heograpikal, at bigyang-priyoridad ang paggarantiya sa buhay at seguridad ng mga mamamayan.
Sa kasalukuyan, pumasok na sa panahon ng baha ang maraming lugar ng bansa, at nahaharap sa matinding situwasyon ang ilang lugar habang sumasapit ang panahon ng bagyo.
Kaugnay nito, hiniling ni Xi sa Pangkalahatang Kuwartel laban sa Baha at Tagtuyot ng bansa at iba pang departamento na palakasin ang koordinasyom, at mabisang patnubayan ang gawain ng pagpigil at pagliligtas sa baha at bagyo.
Diin ni Xi, dapat ipauna ang mga mamamayan, at gawing pinakamahalaga ang buhay ng mga mamamayan sa proseso ng paglaban sa baha.
Aniya, kailangang koordinahin ang mga gawain kontra pandemiya, kontrolin ang baha at mabisang organisahin ang pagliligtas ng buhay at relief work sa kapahamakan, maayos na tulungan ang mga apektadong mamamayan, at pangalagaan ang kaayusan ng produksyon at pamumuhay.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |