|
||||||||
|
||
Noong Nobyembre 5, 2018, sinimulan ni Li Fupei ang kanyang pamumuhay bilang unang kalihim ng Chaoyang Village Committee ng Nayong Baohua ng Honghe County, Lalawigang Yunnan ng Tsina. Nauna rito, nagtrabaho siya sa isang malaking kompanyang ari ng estado.
Nababahala at ramdam ni Li ang presyur sa kanyang bagong puwesto.
Si Li Fupei, kasama ng mga mamamayan ng lahing Hani
Sa simula ng panunungkulan ni Li Fupei bilang unang kalihim ng village committee, naging pinakamahalagang tungkulin niya ang pag-unawa sa kalagayan ng nayon. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng maraming materyal, nagkaroon ng mas komprehensibong kamalayan si Li sa kalagayan ng 1,095 pamilya ng 9 na pamayanan na pinangangasiwaan ng kanyang komite, na gaya ng mga impormasyong may kinalaman sa bukirin at kagubatan, karaniwang temperatura, taunang bolyum ng pag-ulan, pananim na angkop sa pagtatanim, pangunahing pinanggagalingan ng kita ng mga magsasaka at iba pa.
Ang mga residente sa nasabing nayon ay, pangunahin na, lahing Hani. Upang mas madaling makipag-ugnayan sa mga taga-nayon, nag-aral si Li Fupei ng pagsasalita at pagkanta sa dayalekto ng Lahing Hani.
Noong nagdaang taon, bumisita si Li sa lahat ng mga nayong pinangangasiwaan ng kanyang komite. Nakatala sa kanyang notebook ang maraming impormasyon hinggil sa kalagayan ng bawat pamilya, at iba't ibang hakbangin at plano sa pagbibigay-tulong sa mahihirap na pamilya.
Sa pamamagitan ng pagbisita sa mga nayon, nalaman ni Li na ang lansangan ay isa sa mga pangunahing elementong humahadlang sa pag-unlad ng industriya sa lokalidad. Sa kanyang mungkahi, pinagtibay ng pamahalaan at komite ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa lokalidad ang plano ng pagtatatag at restorasyon ng mga kalsada. Noong nagdaang taon, natapos ang konstruksyon ng ilang lasangan sa pagitan ng mga nayon.
Samantala, aktibong pinalaganap ni Li Fupei ang proyekto ng pagbibigay-tulong sa mahihirap, sa pamamagitan ng estratehiya ng "Internet Plus." Ipinaliwanag niya sa bawat pamilya kung ano ang internet economy, at paanong ibenta ang kani-kanilang produkto, sa pamamagitan ng online platform.
Salamat sa kanyang masigasig na pagsisikap, nagkaroon ng simpleng kaalaman ang mga taga-nayon tungkol sa internet. Buong pananabik na inaasahan ni Li na ang estratehiya ng "Internet Plus" ay magbubunga ng bagong pagkakataon para sa pag-unlad ng Chaoyang Village.
Ang ginawang pagsisikap ni Li Fupei ay nagwagi ng pagtitiwala ng mga mamamayan sa lokalidad. Sa kasalukuyan, naibsan ang karalitaan sa Honghe County, pero ipinagpapatuloy ang pagtahak sa landas ng pagpapasigla ng mga nayon. Patuloy na pag-uukulan niya ng kasiglahan ang mga bagong gawain.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |