|
||||||||
|
||
Target ng Tsina na pawiin ang karalitaan at isakatuparan ang may kaginhawahang lipunan sa mas mataas na antas sa taong 2020.
Sa bawat liblib na nayon sa bansa na hindi pa bumabangon mula sa pusali ng kahirapan, matatagpuan ang isang nakadestinong tauhang namamahalang isakatuparan ang naturang target. Galing sila sa iba't ibang larangan.
Noong Marso, 2020, itinalaga si Liu Chao, mamamahayag ng China Media Group sa nayong Zhongba, isa sa 28 mahihirap na nayon, sa Xide County, Liangshan Yi Autonomous Prefecture, lalawigang Sichuan, sa dakong timog-kanluran ng Tsina.
Dalawang taon ang termino ni Liu bilang punong tagapamahala para tulungan ang mga mamamayang lokal ng Zhongba na makaahon sa kahirapan at matustusan ang sarili.
Noong Hunyo 4, dalawang buwan makaraang madestino si Liu, naranasan niya ang pagguho ng lupa sa kauna-unahang pagkakataon. Sa pagsuong sa bagyo, nagbahay-bahay siya, kasama ng mga opisyal na lokal, at nagpatawag ng mga taga-nayon, para ilikas ang lahat sa ligtas na lugar.
"Sumakit ang binti ko dahil sa pagtama sa mga bato sa agos, habang hawak-kamay kami ng mga taga-nayon nag-iinut-inot," alaala ni Liu, "Sa kabutihang palad, ligtas ang lahat ng 256 na taga-nayon. "
larawan pagkaraan ng landslide
Ang isa sa mga hakbang ng pamahalaang Tsino para tulungan ang mga mahirap na magsasaka ay pagpapalipat sa kanila sa ibang lugar na mas ligtas at kombinyente ang transportasyon. Noong Hunyo 15, si Liu, kasama ng mga opisyal at boluntaryo, ay nagbigay-tulong sa natitirang 14 na mahirap na pamilya ng Zhongba na lumipat sa bagong pamayanan.
Salaysay ni Liu, itatayo rin sa bagong komunidad ang ospital, eskuwela elementarya at kindergarten.
Pangarap ni Liu na pagkaraan ng kanyang dalawang taong panunungkulan sa Zhongba, maaari niyang ipagmalaking sabihing naakyat niya ang bawat bundok, nakatapak siya ng bawat dangkal ng lupain, nakilala niya ang bawat taga-nayon, at bumuti ang pamumuhay ng mga kababayang lokal dahil sa kanyang pagsisikap at sarili nilang pagtitiyaga.
Sapul noong 2015, mahigit 459,000 katao na tulad ni Liu ang naitalaga sa mga mahirap na nayon ng Tsina.
Hanggang katapusan ng 2019, may 5.51 milyong mahihirap na mamamayan ang Tsina. Nitong pitong dekadang nakalipas sapul nang itatag ang Republika ng Bayan ng Tsina noong 1949, mahigit 800 milyong mamamayang Tsino ang nakaahon sa karalitaan.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |