|
||||||||
|
||
Ipinatalastas sa Beijing nitong Miyerkules, Hulyo 1, 2020 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang pagsasagawa ng reciprocal countermeasures sa 4 na media ng Amerika na nakakatalaga sa Tsina.
Sinabi ni Zhao na nitong ilang taong nakalipas, ipinapataw ng pamahalaang Amerikano ang walang batayang limitasyon sa karaniwang pagbabalita ng mga media at tauhan ng Tsina sa Amerika, at walang tigil nitong pinatataas ang diskriminasyon at pinalalakas ang paninirang pulitikal sa mga media ng Tsina.
Ani Zhao, noong Hunyo 22, muling ipinatalastas ng panig Amerikano ang paglista sa 4 na media ng Tsina na kinabibilangan ng China Central Television, People's Daily, Global Times, at China News Service bilang "foreign missions."
Bilang tugon, ipinatalastas ni Zhao na hinihiling ng panig Tsino sa Associated Press, United Press International, Columbia Broadcasting System, at National Public Radio na sa loob ng 7 araw mula Hulyo 1, dapat nilang isumite sa panig Tsino ang nakasulat na impormasyong kinabibilangan ng trabahador, pinansya, operasyon, at may-ari na real estate sa Tsina.
Dagdag ni Zhao, ang nasabing hakbangin ay sapilitang isinagawa ng panig Tsino bilang tugon sa walang batayang pagsira at pag-atake ng panig Amerikano sa mga organong pangmedia ng Tsina sa Amerika.
Ito ay ganap na lehitimong depensa sa sarili, diin Zhao.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |