Ipinahayag nitong Martes, Hunyo 9, 2020 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na palagiang nagpupunyagi ang panig Tsino para ipagkaloob ang lahat ng kinakailangang ginhawa at tulong sa panayam at gawain ng mga dayuhang mamamahayag sa Tsina. Umaasa aniya siyang ititigil din ng panig Amerikano ang double standard sa pakikitungo sa media.
Kamakailan, madalas na ibinunyag ng mga kanluraning media na gaya ng pahayagang The New York Times at The Hill ng Amerika, at The Guardian ng Britanya ang ulat ukol sa pag-atake at pag-aresto sa mga mamamahayag na nagkober sa mga protesta sa Amerika.
Nang sagutin ang tanong hinggil sa pagbatikos ng ilang opisyal na Amerikano sa panggigipit ng panig Tsino sa mga dayuhang media, sa katwiran ng kalayaan sa pamamahayag, sinabi ni Hua na kung mangyayari sa Tsina ang ganitong insidente, di niya lubos maisip kung paanong ikokober ito ng mga politiko o media ng Amerika.
Salin: Vera