Ipinahayag nitong Huwebes, Hulyo 2, 2020 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa pulong ng United Nations Human Rights Council (UNHRC), muling nabigo ang paninira ng ilang bansang Kanluranin sa Tsina sa pamamagitan ng isyu ng Xinjiang.
Ayon sa ulat, pinuna kamakailan sa UNHRC ng Unyong Europeo (EU) ang kalagayan ng karapatang pantao ng Xinjiang. Kasabay nito, binigkas sa ngalan ng 46 na bansa ang magkakasanib na talumpati para suportahan ang posisyon at hakbangin ng panig Tsino sa isyu ng Xinjiang. Ipinahayag din nila ang paghanga sa natamong bunga ng Tsina sa larangan ng karapatang pantao, at tinitutulan ang pagsasapulitika sa isyu ng karapatang pantao.
Ani Zhao, ang isyu ng Xinjiang ay isyu ng paglaban sa terorismo at separatismo sa halip ng umano'y isyu ng karapatang pantao, nayonalidad, at relihiyon na laman ng mga panunulsol ng ilang dayuhang puwersa.
Dagdag niya, mariing tinututulan ng panig Tsino ang panghihimasok sa suliraning panloob ng ibang bansa sa katuwiran ng isyu ng karapatang pantao. Hinimok din niya ang kaukulang bansa na itakwil ang pagsasapulitika at double standards.
Salin: Lito