|
||||||||
|
||
Sa isang artikulong inilabas kamakailan ng "Grayzone" — American independent news website, ibinunyag nito ang katotohanan sa paggawa ng mga grupo at tauhang kontra-Tsina ng pekeng impormasyon sa isyu ng Xinjiang. Ito ay hindi lamang nakakatulong sa pagkakaunawa ng komunidad ng daigdig sa tunay na kalagayan ng isyu ng Xinjiang, kundi nabunyag pa nito ang maruming kagawian ng mga puwersang kanluraning kontra-Tsina na nagsasabwatan sa pagpigil sa pag-unlad ng Tsina.
Ayon sa imbestigasyon ng "Grayzone," hindi totoo ang inilabas na impormasyong madalas na nakikita sa ilang mediang kanluranin na umano'y "pagbilanggo ng Xinjiang ng Tsina sa ilang milyong Muslim." Halimbawa, gumawa ang isang grupo na tinatawag na Network of Chinese Human Rights Defenders (CHRD) ng nasabing konklusyon makaraan nitong kapanayamin ang walong (8) Uyghurs lamang. Sa katunayan, nasa likod ng nasabing mga grupo at tauhang kontra-Tsina ang Central Intelligence Agency (CIA) ng Amerika.
Nitong ilang araw na nakalipas, isinahimpapawid China Global Television Network (CGTN) ng China Media Group (CMG) ang dalawang dokumentaryo sa wikang Ingles tungkol sa paglaban sa terorismo sa Xinjiang. Mabisang ibinunyag ng mga ito ang mga nagawang kasinungalingan ng ilang mediang kanluranin.
Salin: Li Feng
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |