Inilabas kamakailan ng New York Times ang artikulong nagsasabing dinala ng pamahalaang Tsino ang mga bata ng Xinjiang sa mga boarding schools, "sapilitang" hiniwalay sila sa kanilang mga magulang, hinalinhan ng wikang Tsino ang lokal na salita, isinulong ang patriotism education, at isinagawa ang umano'y "paglilinis ng kaisipan" sa mga bata. Lipos ng pekeng impormasyon at walang anumang batayan ang nasabing pagbabalita, at ito ay imaginasyon lamang.
Mula sa pagdungis sa hangarin ng vocational skills training center sa Xinjiang hanggang sa paninira-puri sa local na sistemang pang-edukasyon, nagtatangka ang iilang mediang kanluranin na ihiwalay ang kinabukasan ng Xinjiang sa pangkalahatang kalagayan ng pag-unlad ng Tsina, pukawin ang kontradiksyon ng mga nasyonalidad, at pigilan ang pag-unlad ng Tsina. Ngunit, hindi puwedeng takpan ng kanilang ginagawa ang katotohanan. Anumang grupong etniko ng Tsina ay hindi dapat ihiwalay sa pag-unlad ng bansa.
Salin: Li Feng