Sa kanyang liham na sagot na ipinadala nitong Biyernes, Hulyo 3, 2020 kay Hun Sen, Pangulo ng People's Party at Punong Ministro ng Cambodia, ipinahayag ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at Pangulo ng bansa, na ang ginawang biyahe ni Hun Sen sa Tsina sa panahong malubha ang kalagayang epidemiko ng panig Tsino, ay nag-iwan ng malalim na impresyon sa partido, pamahalaan, mga mamamayan Tsino at kanyang sarili.
Ipinahayag ni Xi na makaraang sumiklab ang Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), sumusuporta at mahigpit na nagtutulungan ang Tsina at Cambodia para magkasamang labanan ang epidemiya at matamo ang malaking yugtong bunga. Ito aniya ay lubos na nagbigay liwanag sa katibayan ng komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng dalawang bansa.
Dagdag pa ni Xi, nakahanda siyang magsikap kasama ni Hun Sen para mapalalim ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa sa iba't-ibang larangan, mapasulong ang konstruksyon ng komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran, at makapaghatid ng mas malaking benepisyo sa dalawang bansa at kanilang mga mamamayan.
Salin: Lito