|
||||||||
|
||
Nagtagpo kahapon, Miyerkules, ika-5 ng Pebrero 2020, sa Beijing, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Hun Sen ng Kambodya.
Hinahangaan ni Xi ang buong tatag na pagsuporta ng Kambodya sa paglaban ng Tsina sa epidemiya ng novel coronavirus. Aniya, ipinakikita ng pagdalaw na ito ni Hun Sen ang matalik na relasyon at malakas na pagtitiwalaan ng dalawang bansa.
Dagdag ni Xi, may kompiyansa at kakayahan ang Tsina para manalo sa pakikibaka laban sa naturang sakit.
Sinabi naman ni Hun Sen, na ang paggawa niya ng espesyal na biyahe sa Tsina sa panahong ito ay para ipakita ang pagsuporta ng pamahalaan at mga mamamayan ng Kambodya sa paglaban ng pamahalaan at mga mamamayan ng Tsina sa epidemiya ng novel coronavirus. Nakahanda aniya ang Kambodya na isagawa ang normal na pakikipagtulungan at pakikipagpalagayan sa Tsina.
Nagpalitan din ng palagay ang dalawang lider hinggil sa relasyon at kooperasyon ng Tsina at Kambodya, lalung-lalo na sa pagtatatag ng dalawang bansa ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan.
Salin: Frank
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |