|
||||||||
|
||
Phnom Penh — Idinaos kamakailan ang seremonya ng pagtatatag ng mekanismo ng regular na pagkokoordinahan at pagsasanggunian ng Chinese Chamber of Commerce sa Cambodia at General Department of Taxation (GDT) ng Cambodia. Dumalo rito sina Wang Wentian, Embahador ng Tsina sa Cambodia; Kong Vibol, Puno ng GDT; Jing Jun, Puno ng Chinese Chamber of Commerce sa Cambodia; at mahigit 120 kinatawan mula sa mga kompanyang pinatatakbo ng pondong Tsino.
Si Wang Wentian, Embahador ng Tsina sa Cambodia
Ipinahayag ni Wang na ang pagkakatatag ng nasabing mekanismo ay makakapagpasulong sa mas mabilis at mabisang pagkokoneksyon ng dalawang panig. Makakatulong aniya ito sa paglutas sa mga problemang pangbuwis ng mga kompanyang pintatakbo ng pondong Tsino.
Ayon kay Wang, ipinakikita nito ang matatag na determinasyon ng pamahalaang Kambodyano sa pagpapabuti ng kapaligirang pangnegosyo nito. Ito aniya ay may mahalagang katuturan para ibayo pang mapalalim ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa, at hikayatin ang mas maraming pamumuhunang Tsino sa Cambodia.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |