Ipinatalastas nitong Biyernes, Hulyo 3, 2020 ng Komisyon ng Unyong Europeo (EU) na pormal nitong inaprubahan ang paggamit ng Remdesivir bilang gamot ng EU laban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Ang Remdesivir ay sinubok-yari ng Gilead Sciences ng Amerika. Nitong ilang araw na nakalipas, ibinalita ng ilang dayuhang media na binili na ng pamahalaang Amerikano ang lahat ng kaukulang produktong niyari ng nasabing kompanya sa kasalukuyang taon at 90% ng mga produkto nito sa darating na Agosto at Setyembre. Nagbunsod ito ng pagkabahala ng komunidad ng daigdig sa pagsuplay ng Remdesivir.
Ipinahayag ni Thomas Senderovitz, Direktor Heneral ng Danish Medicines Agency (DKMA), na walang duda, ang ginawa ng Amerika ay nagdulot ng kawalang-kasiyahan sa buong EU. Tatalakayin aniya ng EU kung paanong maiiwasan ang pagkaganap ng ganitong pangyayari.
Salin: Lito