|
||||||||
|
||
Magkakasunod na ipinalabas kamakailan sa social media ni Martin, Jacques, bantog na iskolar ng Britanya, ang mga artikulong hayagang kumakastigo sa ilang bansang kanluranin dahil sa paghadlang nila sa National Security Law ng Hong Kong Special Administrative Region (HKSAR).
Sinabi niya na, hinggil sa mga suliranin ng Hong Kong, mayroonbang ibang pagpipilian ang Tsina kundi ang lehislasyon ng pambansang seguridad?
Tanong pa niya, aling bansang kanluranin ang nagpapahintulot na magkaroon ng ilang buwang marahas na kilos-protesta sa kanilang pangunahing lunsod?
Sa katotohanan, isinasagawa ng mga bansang kanluranin ang katulad na paraan na ginagawa ng Tsina bilang tugon sa mga marahas na aksyon sa kani-kanilang mga nasasakupan, aniya pa.
Sinabi ni Jacques na, dapat isabalikat ng mga bansang kanluranin ang responsibilidad sa mga nangyaring marahas na kilos-protesta, dahil sila ang isa sa mga sumuporta sa mga pangunahing elementong nagsagawa ng mga karahasan.
Dagdag pa niya, hindi rin nais ng mga bansang kanluranin ang mga marahas na kilos na nakakasira sa seguridad sa kanilang mga nasasakupan, ngunit sila ay bulag at bingi sa mga tunay na kaganapan sa Hong Kong.
Salin: Lito
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |