|
||||||||
|
||
Si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa seremoniya ng pagbubukas ng Butuka Academy noong Nobyembre 2018
Sa kanyang sagot kamakailan sa sulat ng mga estudyante ng Butuka Academy, Papua New Guinea, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina,na patuloy na ipagkaloob ng Tsina ang kailangang suporta at tulong para sa pag-unlad ng Butuka Academy.
Nauna rito, sa liham ng mga estudyante ng Butuka Academy kay Pangulong Xi, ipinahayag nila ang pasasalamat sa malasakit ng pangulong Tsino sa pag-unlad ng paaralan, at mataas nilang pinahahalagahan ang mga ambag na ibinibigay ng Tsina para pasulungin ang kooperasyong pandaigdig sa paglaban sa epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Nagsimula ang konstruksyon ng Butuka Academy noong Nobyembre 2018.
Ngayon mayroon na itong mga 3000 estudyante.
Buong pagkakaisang pinahahalagahan ng kapuwa pamahalaan ng Papua New Guinea at mga mamamayan ang eskuwelahang ito.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |