Ipinadala ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensaheng pambati sa video meeting ng Ika-9 na Pulong na Ministeryal ng China-Arab States Cooperation Forum na idinaos Hulyo 6, 2020.
Tinukoy ni Xi na sapul nang naganap ang epidemiya ng COVID-19, nagtutulungan at buong tatag na sinusuportahan ang isa't isa ng Tsina at mga bansang Arabe. Sa kalagayang tulad nito, kailangan ng Tsina at mga bansang Arabe ang mas mahigpit na kooperasyon para pagtagumpayan ang kahirapan.
Umaasa si Xi na sa pagkakataong alok ng pulong na ito, lalo pang palalakasin ng Tsina at mga bansang Arabe ang estratehikong koordinasyon, pasusulungin ang kooperasyon sa paglaban sa COVID-19 at ibang larangan, pasusulungin ang konstruksyon ng pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at mga bansang Arabe, upang magdulot ng mas maraming benepisyo para sa mga mamamayan ng dalawnag panig.
Salin:Sarah