|
||||||||
|
||
Sinabi Huwebes, Hulyo 9, 2020 ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang relasyon ng Tsina at Estados Unidos ay nahaharap sa pinakaseryosong hamon, sapul nang maitatag ito noong 1979.
Sa China-U.S. Think Tanks Media Forum via video link, sinabi ni Wang na pinakikitunguhan ng ilang Amerikano ang Tsina bilang kalaban, dahil sa pagkiling na ideolohikal.
Ani Wang, ginagamit nila ang lahat ng mga pagkakataon upang sikilin ang pag-unlad ng Tsina, at hadlangan ang ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa.
Diin ni Wang, ang pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano ay hindi lamang may mahigpit na kaugnayan sa kapakanan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, kundi nakakaapekto rin sa kinabukasan ng daigdig at sangkatauhan.
Umaasa aniya ang panig Tsino na itatatag ng Amerika ang mas obdyektibo't mahinahong pag-unawa sa Tsina, at babalangkasin ang mas makatarungan at pragmatikong patakaran sa Tsina.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |