Kaugnay ng lehislasyon ng National Security Law ng Hong Kong, magkakahiwalay na binatikos, Hunyo 30, 2020 nina Nancy Patricia D'Alesandro Pelosi, Ispiker ng US House of Representatives; Mike Pompeo, Kalihim ng Estado; at John Ullyot, Tagapagsalita ng White House National Security Council, ang Tsina dahil sa pagtalikod di-umano nito sa pandaigdigang pangako.
Nagbanta rin silang magsasagawa ng matigas na hakbangin hinggil dito.
Bilang tugon, ipinahayag sa Beijing nitong Miyerkules, Hulyo 1, 2020 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na pinapayuhan ng panig Tsino sa panig Amerikano na itigil ang panghihimasok sa mga suliraning panloob ng Tsina sa katwiran ng umano'y isyu ng Hong Kong.
Ani Zhao, ang batas ng pambansang seguridad ng Hong Kong ay magkakaloob ng malakas na sistematikong garantiya sa komprehensibong pagpapatupad ng patakarang "Isang Bansa, Dalawang Sistema," mabisang mangangalaga sa kaayusang konstitusyonal sa Hong Kong Special Administrative Region (HKSAR) na itinakda sa konstitusyon at saligang batas, at maggagarantiya sa pangmatagalang kasaganaan at katatagan ng lugar na ito.
Salin: Lito