|
||||||||
|
||
Ipinadala Linggo, Hulyo 12, 2020 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe sa kanyang counterpart na Kiribati na si Taneti Maamau bilang pagbati sa ika-41 anibersaryo ng pagsasarili ng Kiribati.
Sa mensahe, tinukoy ni Xi na sa okasyon ng Ika-41 Anibersaryo ng Pagsasarili ng Kiribati, sa ngalan ng pamahalaan, mga mamamayang Tsino, at kanyang sarili, ipinapa-abot niya ang maringal na pagbati sa pamahalaan at mga mamamayan ng Kiribati.
Sinabi niya na noong Setyembre 27 ng nagdaang taon, napanumbalik ng Tsina at Kiribati ang relasyong diplomatiko, bagay na nagpasimula ng bagong yugto ng relasyon ng dalawang bansa.
Aniya, sapul nang mapanumbalik ang nasabing relasyong diplomatiko, walang humpay na lumalalim ang pagtitiwalaang pulitikal, at sustenableng lumalawak ang pagpapalitang pangkultura ng Tsina at Kiribati.
Ito, ani Xi ay nakakapagbigay ng aktuwal na kapakanan sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Nakahanda ang Tsina na magsikap kasama ng Kiribati para mapasulong pa ang relasyon ng dalawang bansa, dagdag pa ni Xi.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |