Ayon sa "The Guardian" ng Britanya, ipinahayag nitong Lunes, Hulyo 13, 2020 (local time) ni Philip Jansen, CEO ng BT Group, na ang pagtanggi sa Huawei ay posibleng magdulot ng kapootan at panganib sa seguridad sa bansa.
Sinabi ni Philip Jansen na tumatakbo na ng 20 taon ang Huawei sa imprastrukturang pangtelekomunikasyon ng Britanya, at kasalukuyang pangunahing tagpagsuplay ng BT Group ang Huawei Company.
Aniya, sa loob ng darating na 10 taon, imposibleng alisin ang lahat ng kagamitan ng Huawei sa imprastrukturang pangtelekomunikasyon ng Britanya.
Salin: Lito