Sa preskong idinaos Huwebes, Hulyo 16, 2020 ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, isinalaysay ni Liu Aihua, Tagapagsalita ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, na kasunod ng sustenableng pagbuti ng situwasyon ng pagpigil at pagkontrol sa COVID-19, at mabilis na pagpapasulong ng produksyon, trabaho, negosyo, at merkado, noong ikalawang kuwarter ng kasalukuyang taon, napanumbalik ang paglaki ng pambansang kabuhayan, muling lumaki ang mga pangunahing index, matatag na umaahon ang operasyong pangkabuhayan, lumakas ang puwersang nagagarantiya sa pundamental na pamumuhay ng mga mamamayan, bumuti sa kabuuan ang pag-asa ng pamilihan, at tumatag ang pangkalahatang situwasyon ng pag-unlad ng lipunan.
Ayon kay Liu, noong unang kuwarter ng kasalukuyang taon, bumaba ng 6.8% ang kabuuang halaga ng produksyong panloob (GDP) ng Tsina kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.
Pero, noong ikalawang kuwarter, lumaki ito ng 3.2% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon, aniya pa.
Salin: Lito