Lumitaw Hulyo 18, 2020, ang 108 bagong kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Espesyal na Rehiyong Administratibo ng HongKong (HKSAR), na lumikha ng bagong record.
Ito ang balita kahapon mula sa Departamento ng Kalusugan ng HongKong.
Kaugnay nito, ipinahayag nang araw ring iyon ni Carrie Lam na napakahigpit ang kalagayan ng COVID-19 sa Hong Kong.
Wala pa aniyang palatandaan na nakokontrol na ang epidemiya, kaya, ipinasiya ng pamahalaan ng Hong Kong na isagawa ang bagong round ng mga hakabangin para labanan ang COVID-19.
Salin:Sarah