|
||||||||
|
||
Pinasinayaan nitong Miyerkules, Hulyo 22, 2020 sa tanggapan ng China Media Group (CMG) sa Guanghua Road, Beijing ang pulong ng pagsisimula ng proyekto ng "Ultra HD Production at Broadcasting Demonstration Platform 5G+4K/8K."
Ang naturang proyekto ay itinataguyod ng CMG.
Dumalo sa pulong ang mga namamahalang tauhan ng mga kaukulang departamento mula sa CMG, China Mobile Communications Group Co. Ltd, Huawei Technologies Co. Ltd, Academy of Broadcasting Planning ng National Radio and Television Administration (NRTA), Sentro ng Inobasyon sa Ultra HD sa probinsyang Guangdong, at Beijing Sumavision.
Nangulo sa pulong si Qian Yuelin, Chief Engineer ng CMG.
Napagkasunduan sa pulong na ayon sa patnubay ni Pangulong Xi Jinping, pinalalakas ng CMG ang estratehiya ng pag-unlad sa pamamagitan ng inobasyon, pinabibilis ang konstruksyon ng naturang proyekto, at pinasusulong ang pagbabago ng CMG tungo sa estratehikong kayarian ng "5G+4K/8K+AI," mula tradisyonal na kayariang teknikal.
Ito ay para pamunuan angmedia ng bansa sa paggamit ng 5G at upang mapabilis ang pag-unlad ng Ultra HD industry.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |