|
||||||||
|
||
Nagtagpo kamakailan sa Emabahada ng Tsina sa Manila sina Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas at Martin Romualdez, Presidente ng Lakas–Christian Muslim Democrats (Lakas–CMD).
Sinabi ni Huang na sapul nang lumitaw ang epiedemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), walang-patid ang Tsina at Pilipinas, na lubos na nagpapakita ng "pagkakapatiran" ng dalawang bansa.
Nang mag-usap sa telepono sina Pangulong Xi Jinping at Pangulong Rodrigo Roa Duterte, noong Hunyo 13, nagkasundo sila sa ibayo pang pagpapasulong ng relasyong Sino-Pilipino.
Umaasa ang panig Tsino na patuloy pang lalaks ang pagpapalitan sa pagitan ng dalawang parliamento at partido, dagdag pa ni Huang.
Ipinahayag naman ni Romualdez na tuwang tuwa siyang makita na nananatiling malusog at matatag ang relasyong Sino-Pilipino at patuloy ring lumalalim ang kooperasyon sa iba't ibang sektor nitong ilang taong singkad.
Nagpasalamat din siya sa tulong na ibinibigay ng Tsina sa Pilipinas sa paglaban ng epidemiya.
Iniabot naman ni Huang ang mga medical supplies kay Romualdez na mula sa International Department ng Central Committee of Communist Party of China (CPC).
Ulat: Sissi
Pulido: Rhio / Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |