|
||||||||
|
||
Hinihiling ng Tsina sa Amerika na agarang bawiin ang maling kapasiyahang humihiling na isara ang Konsulada ng Tsina sa Huston, Texas. Kung hindi babawiin ng Amerika ang kahilingang ito, tiyak na gagawin ng Tsina ang angkop at kinakailangang ganting hakbangin.
Ito ang mariing ipinahayag Hulyo 23, 2020, ng Embahadang Tsino sa Amerika.
Ayon pa sa pahayag, hindi nakikialam ang Tsina sa mga suliraning panloob ng ibang bansa, kaya walang dahilan ang kahilingang ito ng Amerika.
Diin pa ng pahayag, nitong ilang taong nakalipas, isinasakatuparan ng Embahadang Tsino sa Amerika at mga Konsuladang Tsino sa Amerika ang kanilang tungkulin, ayon sa regulasyon ng "Vienna Convention on Diplomatic Relations" at "Vienna Convention on Consular Relations," at nagsisikap sila para pasulungin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng Tsina at Amerika, upang mapabuti ang pagkakaunawaan at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Walang anumang batayan ang akusasyon ng Amerika sa Tsina, dagdag pa nito.
Ayon pa rito, dalawang beses na isinagawa ng Amerika ang walang dahilang paglimita sa mga tauhang diplomatiko ng Tsina; binuksan ang mga diplomatikong papeles ng Tsina, at kinuha ang ilang imporatanteng dokumento.
Dahil sa stigmatisasyong pinakakalat ng Amerika, maraming beses ding nagkaroon ng banta sa kaligtasan ng Embahadang Tsino sa Amerika at mga personahe nito.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |