|
||||||||
|
||
Ginagamit ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika, ang lahat ng paraan para siraan ang Tsina at lantarang atakehin ang ideolohiya ng panig Tsino.
Kaugnay nito, ipinahayag sa Beijing nitong Miyerkules, Hulyo 22, 2020 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang mga pananalita ni Pompeo ay pawang kasinungalinan at panlilinlang.
Sa kanyang mga pananalita, naibubunyag ang maling estratehikong pagtasa ng panig Amerikano sa Tsina, aniya.
Ani Wang, lipos ng pagkiling sa McCarthyism ang mga gawain ni Pompeo.
Dagdag pa niya, unibersal na kinikilala ng komunidad ng daigdig ang pagsisikap at natamong tagumpay ng Tsina sa pakikibaka laban sa epidemiya sa buong daigdig.
Bilang isang responsableng bansa, buong tatag na pangangalagaan ng Tsina ang sariling kapakanan, soberanya, seguridad, pag-unlad, at buong tinding tatanggihan ang hegemonya at di-pagkakapantay-pantay, mariin niyang pahayag.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |