|
||||||||
|
||
Miyerkules ng hapon, Hulyo 22, 2020, bumisita si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa isang kooperatiba ng mga magsasaka sa Lishu County ng Siping City, Lalawigang Jilin ng bansa.
Ang 52 taong gulang na si Lu Wei ay Punong Direktor ng nasabing kooperatiba.
Naisip niya ang kahalagahan ng large-scale agricultural mechanization, kaya itinatag niya ang kooperatiba.
Noong simula, 6 na pamilya lamang ang kasali, pero ngayon, mayroon na itong176 na pamilyang miyembro.
Sa kanyang pakikipag-usap sa mga miyembro ng kooperatibang ito, hinimok ni Xi ang mga magsasaka na palaganapin at paunlarin ang mga kooperatibang agrikultural na angkop sa kondisyong lokal, at hanapin ang mas maraming landas ng pag-unlad ng specialized cooperatives.
Ayon sa estadistikang lokal, lampas na sa 3,600 ang mga katulad na kooperatiba ng mga magsasaka sa Lishu County, at umabot sa 3.6 bilyong yuan RMB ang taunang output ng mga kooperatiba, bagay na mabisang nakapagpasulong sa pag-unlad ng kabuhayang lokal.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |