|
||||||||
|
||
Matatagpuan sa lalawigang Jilin, dakong hilagang silangan ng Tsina ang Lishu County.
Taglay nito ang pinakamalaking base ng istandardisadong produksyon ng berdeng pagkain sa bansa.
Nitong Miyerkules, Hulyo 22, 2020, naglakbay-suri rito si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, para alamin ang kalagayan ng produksyon ng pagkaing-butil, pangangalaga at paggamit ng black soil at iba pa.
Pagkaraang sumiklab ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), maraming beses ipinagdiinan ni Xi na sa harap ng mga panganib at hamon, dapat patatagin ang agrikultura, at igarantiya ang seguridad ng pagkaing-butil at non-staple food.
May mataas na latitude, sapat na sikat ng araw, mahalumigmig na panahon, at matabang black soil ang Lishu County, at tinatawag itong "golden corn belt."
Noong 2017, pormal na itinatag ng Lishu County ang base ng istandardisadong produksyon ng berdeng pagkain, at 83,981 pamilya mula sa 219 county ang sumali sa konstruksyon ng nasabing mahigit 60, 000 hektaryang base.
Sa pamamagitan ng modelo ng "production base plus cooperatives plus enterprises, tinatayang lampas sa 25 milyon ang karagdagang kita ng mga magsasaka sa kasalukuyang taon.
Ang 52 taong gulang na si Lu Wei ay isang magsasaka sa lokalidad, at mayroon siyang sariling kooperatiba.
Sa simula ng pagtatatag ng kanyang kooperatiba, 6 pamilya lamang ang kasali, pero ngayon, 176 na pamilya ang kasangkot dito.
Sa kanyang paglalakbay-suri sa Lishu County, bumisita si Pangulong Xi sa kooperatiba ni Lu Wei.
Mahigit 1.4 bilyon ang populasyon ng Tsina, at ang seguridad ng pagkaing-butil ay mahalagang garantiya sa pangmalayuang katatagan ng bansa.
Bilang isang malaking lalawigang nagpoprodyus ng pagkaing-butil, sapul noong 2013, napanatili ng Jilin ang mahigit 35 bilyong kilo na taunang output ng pagkaing-butil nitong nakalipas na 7 na taong singkad. Gumawa rin ito ng mahalagang ambag para sa seguridad ng pagkain ng bansa.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |