|
||||||||
|
||
Kaugnay ng kahilingan ng Amerika sa Tsina na isara ang Konsulado nito sa Houston, pinasubalian nitong Hulyo, 23, 2020 ng panig Tsino ang maling impormasyon na isinapubliko ng Amerika.
Tinukoy ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, sa regular na preskon, na ang aksyon ng Amerika ay malubhang lumabag sa pandaigdigang batas at pundamental na prinsipyo ng relasyong pandaigdig at mga kinauukulang regulasyon ng China-U.S. Consular Treaty; malubhang sinira nito ang relasyong Sino-Amerikano at tulay ng pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Sinabi kamakailan ng mataas na opisyal ng Amerika na ang dahilan ng pagsasara ng Amerika ng Konsuladong Tsino sa Houston ay ang panghihimasok ng Tsina sa mga suliraning panloob ng Amerika, pagnanakaw ng Intellectual Property Rights (IPR) ng Amerika at pag-iispya sa Amerika. Sinabi din ng Amerika na pinoprotektahan ng Konsul Heneral ng Konsuladang Tsino sa Huston at dalawang diplomatang Tsino ang turistang Tsino sa paliparan, sa pamamagitan ng pekeng identities.
Hinggil dito, tinukoy ni Wang na bukas at maliwanag ang impormasyon ng mga tauhan sa Embahadang Tsino at Konsuladang Tsino sa Amerika. Ang mga aksyon ng tauhang Tsino sa paliparan ay makatuwiran at legal. Ang pananalita ng Amerika ay walang katotohanan.
Itinanggi din ni Wang ang bintang ng Amerika na sinara ng Amerika ang Konsuladang Tsino sa Houston dahil hindi ipinagkaloob ng Tsina ang ginhawa para sa Konsuladang Amerikano sa Wuhan.
Hinggil sa isyu ng pagbubukas ng Amerika ng diplomatic pouches ng Tsina, ipinahayag ni Wang na, noong Hulyo 2018 at Enero 2020, binuksan nang dalawang beses ng Amerika ang diplomatic pouches ng Tsina, walang pahintulot ito ng panig Tsino. Ang aksyong ito ay lumabag sa Vienna Convention on Diplomatic Relations at Vienna Convention on Consular Relations, at pagbabanta sa kaligtasan ng Tsina. Iniharap ng Tsina ang solemnang represantasyon sa Amerika hinggil dito, hindi itinanggi ng Amerika ang isyung ito pero hindi rin inako ang responsibilidad. Bilang tugon sa di-makatuwirang aksyon ng Amerika, tiyak na isasagawa ng Tsina ang kinakailangang ganting aksyon para mapangalagaan ang makatarungang karapatan ng sariling bansa.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |