Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Tsino at Pangulong Ruso, binati ang pulong ng Mekanismo ng Diyalogo ng Naghaharing Partido ng Tsina at Rusya

(GMT+08:00) 2020-07-24 18:31:12       CRI

Idinaos Hulyo 23, 2020, ng Tsina at Rusya ang virtual meeting ng Ika-8 Pulong ng Mekanismo ng Diyalogo ng Naghaharing Partido ng Tsina at Rusya. Sa magkahiwalay na okasyon, ipinadala kapuwa nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Viladmir Putin ng Rusya ang mensaheng pambati hinggil dito.

Sinabi ni Xi sa mensahe na sapul nang lumitaw ang epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), nagtutulungan ang Tsina at Rusya, magkasamang nilabanan ang mga kahirapan at tinutulan ang pakiki-alam ng mga puwersang dayuhan, na lubos na nagpakita ng malalim na pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.

Tinukoy ni Xi na ang pagkalat ng epidemiya ng COVID-19 sa buong daigdig ay nagpakita muli na ang sangkatauhan ay mayroong pinagbabahaginang kinabukasan. Dapat magkaisa ang iba't ibang bansa para magkakasamang harapin ang pandemiya. Bilang dalawang responsableng malaking bansa at pirmihang bansa ng United Nations Security Council (UNSC), dapat patuloy na palakasin ng Tsina at Rusya ang koordinasyon, magkakasamang harapin ang mga hamon, tutulan ang hegemonismo, para mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng daigdig, at pasulungin ang pagkakatatag ng pinagbabahaginang kinabukasan ng buong sangkatauhan.

Binigyan-diin ni Xi na ang mekanismo ng pagpapalitan ng mga naghaharing partido ay mahalagang plataporma ng koordinasyon ng Tsina at Rusya. Umaasa siyang lubos na magkokooperasyon ang mga kalahok sa pulong para magbigay ng ambag sa komprehensibong estratehikong kooperasyon ng Tsina at Rusya sa bagong panahon.

Sinabi ni Putin na narating ng relasyong Sino-Ruso ang napakataas na lebel, at iyo'y naging modelo ng koordinasyon sa pagitan ng mga bansa sa kasalukuyang daigdig. Nagsisikap ang dalawang bansa sa paglutas ng mga isyung panrehiyon at pandaigdig, para magkakasamang mapangalagaan ang kaligtasan at katatagan ng buong mundo. Ang mekanismo ng diyalogo ng mga naghaharing partido ay mahalagang bahagi ng relasyon ng dalawang bansa at nananalig siyang tiyak na lalo pang patitibayin ang komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Rusya sa pamamagitan ng pulong na ito.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>