|
||||||||
|
||
Sa pag-uusap sa telepono nitong Miyerkules, Hulyo 8, 2020 nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, binigyang-diin ni Xi, sa kasalukuyan, mabilis ang pagbabago ng kalagayang pandaigdig.
Bilang komprehensibo, estratehiko at kooperatibong magka-partner, kailangang-kailangan aniya ang pagpapahigpit ng estratehikong pag-u-ugnayan at pagtutulungan ng Tsina at Rusya.
Nakahanda aniya ang panig Tsino, kasama ng panig Ruso, na patuloy at buong tatag na katigan ang isa't isa, tutulan ang pakikialam at pagsira ng mga puwersang panlabas, pangalagaan ang sariling soberanya, patatagin ang seguridad at kapakanang pangkaunlaran, at protektahan ang komong interes ng kapuwa panig.
Saad ni Xi, kasabay ng pagpapabuti ng mga hakbang kontra sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa pangmalayuang pananaw, dapat ding pag-aralan ng kapuwa panig ang pleksibleng paraan, upang mapasulong ang pagpapanumbalik ng kooperasyon sa iba't ibang larangan.
Nagpahayag naman si Putin ng suporta sa pagsisikap ng Tsina sa pangangalaga sa pambansang seguridad sa Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), at pagtutol sa anumang aksyong nakakasira sa soberanya ng Tsina.
Dagdag ni Putin, ginawang priyoridad ng diplomasya ng Rusya ang relasyon sa Tsina.
Nakahanda aniya siyang patuloy na pasulungin, kasama ng panig Tsino, ang pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan, palakasin ang estratehikong pag-uugnayan at pagkokoordinahan sa ilalim ng mga balangkas na gaya ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) at United Nations (UN), at pangalagaan ang estratehikong katatagan at seguridad ng buong mundo.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |