|
||||||||
|
||
Idinaos Lunes ng umaga, Hulyo 27, 2020 ang Philippines-China Relations During COVID-19 webinar sa pagtataguyod ng Philippine Association for Chinese Studies (PACS) at Center for Philippine Studies, Jinan University.
Inanyayahan ang apat na dalubhasa upang ibahagi ang kanilang mga kaalaman hinggil sa paglaban sa COVID-19 pandemic at ang kalagayan ng pulitika at geopolitics sa gitna ng pinakamalubhang krisis pangkalusugan sa mundo.
Magkasunod na nagbigay ng keynote speech sa simula ng webinar sina Ambassador Huang Xilian ng Tsina at Ambassador Jose Santiago Sta. Romana ng Pilipinas.
Tsina, nananatiling pinakamalaking trade partner ng Pilipinas; mga bagong opurtunidad, ginagalugad
Kapwa kinikilala ng dalawang sugo ang pagkakaroon ng mga bagong pagkakataon sa ilalim ng "new normal" upang higit na isulong ang iba't ibang aspekto ng ugnayang Sino-Pilipino.
Sinabi ni Ambassador Sta. Romana na naapektuhan ng pandemic nang bahagya ang ugnayan ng dalawang bansa. Pero nagbukas naman ito ng bagong dimensions sa relasyon. Ibinahagi niya ang mga naitulong ng Tsina sa paglaban ng Pilipinas kontra COVID-19, na kinabibilangan ng pagpapadala ng personaheng medikal, donasyon ng kagamitang medikal at pamproteksyon at pag-asiste sa air force sa pagkuha ng mga medical supplies sa iba't ibang lunsod ng Tsina.
Sa usaping pang-ekonomiya naman, ang Tsina ay nasa unang pwesto bilang trading partner at nasa ikalawa bilang tourist market. Kapuna-puna rin ani Sta. Romana ang pagtaas ng pamumuhunan ng Tsina sa bansa. Ang Tsina ay isa sa pinakamahalagang development partner ng Pilipinas saad ng embahador. Magandang halimbawa aniya mga isinasagawang kooperasyon ng Tsina at Pilipinas. At ang mga bansang ASEAN ay umaasang mas magiging malawak ang economic partnership sa Tsina, sa pamamagitan ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP). Pagkaraan ng pandemic, maaaring maging pwersang magtutulak ng pag-bangon ng buong mundo ang RCEP.
Positibo sa pangkalahatan ang bilateral na relasyon ng Pilipinas at Tsina saad ni Ambassador Sta. Romana. Dahil sa mga kahirapan at mga pagsubok na dulot ng COVID-19 maaaring magpatuloy ang constructive engagement ng dalawang bansa habang isinasagawa ang pagtutulungan upang matiyak ang muling pagbangon ng ekonomiya, makamit ang mga hangaring pangkaunlaran para sa kapakanan ng kapwa mamamayang Pilipino at Tsino.
Samantala sa kaniya namang keynote speech, sinabi ni Ambassador Huang na patuloy na isasagawa ng Tsina ang kooperasyon sa Pilipinas kaugnay ng pagpigil at pagkontrol sa COVID-19, at ang pagpapalitan ng karanasan hinggil sa pagpapanumbalik ng trabaho at produkyon. Aniya pa, pabibilisin ang pagtatatag ng "fast lane" para sa mga importanteng pagpapalitan ng mga tauhan at ang pagbubukas ng "green corridor" for logistics upang matiyak ang katatagan ng industrial at supply chains.
Handa ani Huang ang Tsina na i-angkop ang Belt and Road Initiative at ang Build Build Build program, at pabilisin ang pagpapatupad ng mga kooperasyon upang manumbalik ang sigla ng ekonimiya at pag-unlad ng Pilipinas. Gagamitin din ang pagkakataong lumitaw sa panahon ng pandemic upang maisulong ang digital economic cooperation sa larangan ng 5G, big data at Artificial Intelligence.
Sa kaniyang pagtatapos, nanawagan si Huang na palakasin ang pakikipag-ugnayan at ang pagpapalitan ng partido pulitikal, kongreso, lokal na pamahalaan, media at think tanks ng dalawang bansa upang maging mabuti ang kapaligiran ng relasyong Sino-Pilipino nang sa gayon ay patuloy itong yumabong.
Pagpapatuloy ng umiiral na mekanismo para maayos na malutas ang pagkakaibang pandagat
Naging tampok ng bahagi ng kanilang mensahe ang usapin ng South China Sea.
Binigyang diin ng kapwa embahador ang kahalagahan ng maayos na paghawak sa isyu at pagpapairal ng kapayapaan at katatagan sa karagatan.
Pinapahalagahan ng kapwa panig ang naitatag na mekanismo upang pag-usapan at hanapin ang solusyon sa naturang masalimuot na usapin. Hindi dapat ituon ang kabuuan ng bilateral na relasyon ng Tsina at Pilipinas sa isyu ng South China Sea.
Ang apat na dalubhasang nagbigay ng presentasyon ay sina Dr. Wei Xiaolin ng University of Toronto sa Canada, Dr.Tan Cho Chiong ng PACS, Dr. Aaron Jed Rabena ng Asia Pacific Pathways to Progress, at Prof. Elmer Soriano ng Polytechnic University of the Philippines.
Ang Philippine Association for Chinese Studies (PACS) ay itinatag noong 1987. Ito ay isang non-partisan at non-profit na samahan ng mga propesyonal na may kaisipang maging bahagi ng isang mapayapang mundo ang mga Pilipinong may lubos ng pagkaunawa sa Tsina.
Sa pamamagitan ng kadalubhasaan ng mga iskolar at mga maalam sa galaw ng Tsina, hangad nitong palalimin ang kaalaman ng mga Pilipino sa Tsina at mga mamamayan nito upang isulong ang mutuwal na pag-uunawaan at kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at Tsina.
Ulat: Mac Ramos
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |