Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagpapasigla ng people-to-people exchanges, susi sa pagbuti ng isyung pulitika sa gitna ng COVID-19 pandemic: webinarn sa relasyong Pilipino-Tsino

(GMT+08:00) 2020-07-27 21:05:23       CRI

Ipinahayag ng pinakamataas na lider ng Pilipinas at Tsina ang pasasalamat sa isa't isa kaugnay ng pagtutulungan sa gitna ng pinakamalubhang krisis pangkalusugan sa modernong panahon. Ito anila ay patunay na mabuting pagkakaibigan ng dalawang bansa. Sa kaniyang ikalimang taon sa pwesto, patuloy na ipinatutupad ang China-friendly policy ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Nakahanda naman si Pangulong Xi Jinping na pasulungin kasama ng Pilipinas ang bilateral na kooperasyon sa iba't ibang larangan.

Pero sa kabila ng positibong takbo ng ugnayang pampamahalaan, inuulan ng batikos ang Tsina sa Pilipinas. Ito ang pokus ng presentasyon ni Dr. Aaron Jed Rabena ng Asia Pacific Pathways to Progress sa Philippines-China Relations During COVID-19 webinar na idinaos Lunes ng umaga, Hulyo 27, 2020.

Ayon kay Dr. Rabena ang negative image ng Tsina ay dahil sa magkakakabit na isyu ng South China Sea, Philippine Offshore Gaming Operations, COVID-19, ulat sa international media hinggil sa di umano'y debt trap at hegemonismo, iligal na droga, peke o mababang kalidad na produkto at ang problema sa mga pasaway na Tsino sa Pilipinas.

Dahil sa negatibong opinyon ng publiko, pinutakti ng malicious comments ng netizens ang Tsina.

Importante ang opinyong publiko dahil batayan ito ng polisya sa diplomasya ng pamahalaan ani Dr. Rabena.

Upang mapabuti ang ugnayan ng relasyong ng Manila at Beijing, suhestyon niyang kailangang ang kapwa panig ay pabilisin ang implementasyon ng mga kasunduan ng dalawang gobyerno, magkaroon ng resulta ang mga proyektong gaya ng Kaliwa Dam, Chico River Pump Irrigation project at ang Philippine Sino Center for Agriculture Technology.

Payo niyang dapat isaalang-alang ang mga hakbang sa mga usaping may hidwaan ang dalawang panig, unawaiin ang pagkamakabayan ng mga tao, bawasan ang masyadong pagbibigay puri, at maging matigas sa pagpapatupad ng mga batas hinggil sa iligal na mga aktibidad.

Higit sa lahat, dapat patuloy na pasiglahin ang people-to-people exchanges upang mas maging malalim ang pagkakaunawaan ng mga Pilipino at Tsino.

Sa presentasyon naman ni Prof. Elmer Soriano ng Polytechnic University of the Philippines, lumitaw sa survey na isinagawa ni Prof. Soriano na 39% ng mga respondents na Pilipino ang naniniwala sa ipinakitang global leadership ng Tsina sa pagtugon sa Covid-19. Pumapangatlo naman ang Tsina sa policy response nito kung saan nanguna ang Singapore ayon sa mga sumagot sa survey. Ayon sa 26.1% ng mga respondents, Tsina ang unang makakagawa ng bakuna. Aling bansa ang mabilis na makakabangon mula sa krisis? 50% ang nagsabing Tsina, pinakamataas naman ang Hapon na may 80% rating. Ayon kay Prof. Soriano ipinakita ng mga Pilipino ang "soft affinity" sa Hapon, pero positibo pa rin ang pananaw ng mga Pilipino sa Tsina. Mataas ang kamalayan ng mga respondents (66%) sa mga naitulong ng Tsina sa Pilipinas, pero mababa pa rin ang ang kaalaman hinggil sa global leadership ng Tsina na dahil sa impluwensya ng mga ibinabalita sa Western media.

Ang Philippines-China Relations During COVID-19 webinar ay idinaos sa pagtataguyod ng Philippine Association for Chinese Studies (PACS) at Center for Philippine Studies Jinan University. Inanyayahan ang apat na dalubhasa upang ibahagi ang kanilang mga kaalaman hinggil sa paglaban sa COVID-19 pandemic at ang kalagayan ng pulitika at geopolitics sa gitna ng pinakamalubhang krisis pangkalusugan sa mundo.

Ang Philippine Association for Chinese Studies (PACS) ay itinatag noong 1987. Ito ay isang non-partisan at non-profit na samahan ng mga propesyonal na may kaisipang maging bahagi ng isang mapayapang mundo ang mga Pilipinong may lubos ng pagkaunawa sa Tsina.

Sa pamamagitan ng kadalubhasaan ng mga iskolar at mga maalam sa galaw ng Tsina, hangad nitong palalimin ang kaalaman ng mga Pilipino sa Tsina at mga mamamayan nito upang isulong ang mutuwal na paguunawaan at kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at Tsina.

Ulat: Mac Ramos

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>