Ipinahayag kamakailan sa Twitter ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika, na ang South China Sea (SCS) ay hindi "maritime empire" ng Tsina, at lumalabag ang Tsina sa pandaigdigang batas.
Kaugnay nito, ipinahayag sa Beijing nitong Martes, Hulyo 28, 2020 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nitong ilang araw na nakalipas, maraming beses na binitawan ni Pompeo ang mga pananalitang umaatake at dumudungis sa Tsina sa isyu ng SCS.
Sinabi ni Wang, ang Amerika ay walang kinalaman sa isyu ng SCS, at higit na hindi ito signatoryong bansa ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). Ngunit, palagi itong nanghihimasok sa isyu ng SCS, at lantarang lumalabag sa pangako nitong walang papanigan sa isyu ng soberanya ng South China Sea. Ani Wang, layon nitong sadyaing sirain ang relasyon ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), gatungan ang kontradiksyon, at piligin ang pag-unlad ng Tsina. Hinding hindi ito mapapahintulutan ng lahat ng pro-peace countries at persons sa rehiyong ito, diin ni Wang.
Dagdag pa niya, nakahanda ang panig Tsino na magsikap kasama ng mga bansang ASEAN para mapasulong ang pagsasanggunian ng Code of Conduct (COC) sa South China Sea para magkaroon ng pagkakasundo ang Tsina at mga bansang ASEAN sa isyung ito.
Salin: Lito