Sa kanyang talumpati kamakailan sa Richard Nixon Presidential Library and Museum sa California, Amerika, muli nanamang tinira ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika, ang Partido Komunista ng Tsina (CPC), kunwaring "pinapurihan" ang mga mamamayang Tsino, para maghasik ng di-pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawang panig at lumikha ng kontradisyon sa loob ng Tsina.
Ang kakayahan sa pamamahala ng CPC ay sumasalamin sa puso ng sambayanan. Mataas ang tiwala ng mga mamamayang Tsino sa pamahalaang Tsino nitong maraming taong nakalipas. Sa gitna ng epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), ipinakita ang ideya ng "Buhay ng Mamamayan Muna" ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Tanging personal na interes ang nasa isip ni Pompeo . Hindi mahalaga sa kaniya ang buhay at kapakanan ng mga mamamayan. Kung titingnan ang kagapanan sa Amerika, hindi pinahahalagahan ang buhay ng mga mamamayang Amerikano, pero pinagtutunan ng pansin at pinag-uusapan nang marami ang isyu sa mga mamamayang Tsino. Lubos na ipinakikita nito na wala mabuting layon sa aksyong ito.
Salin:Sarah